Young Entrepreneurs: How to Start a Business Before You’re 30

young entrepreneurs

So tapos na ang school year (or patapos pa lang for some). Ano na ang gagawin mo this summer? Magbakasyon, mag-travel galore? Or start the usual summer business gaya ng halo-halo at mga palamig? Most young entrepreneurs will tell you, choose the second option!

Yes, Maria, it is possible for you to start your own business before you reach 30. Sa time na yan typically ang mga kasabayan mo nagwo-worry na dapat kasal na sila by that time. Pero kung may business ka, you’ll be more secure starting a home and a family. So why not start early?

Here are three young entrepreneurs who started their own businesses. In addition, most of them kumikita na ng mahigit six digits bago pa sila mag-trenta! Be inspired by their stories:

Alina Morse, 13 (Zollipops)

Laging sinasabi sa atin noong kabataan tayo na masama para sa atin ang mga candy gaya ng lollipops dahil nakakasira ng ngipin. Pero bakit nga ba bigay pa rin nang bigay ng candy ang mga tito at tita sa mga bata? Dahil dito, sa edad na seven years old, naisip ni Alina Morse na maghanap ng lollipop na mas tooth-friendly.

young entrepreneur

Alina and her dad determined that replacing sugar is the key to a better lollipop. Hundreds of trials later, they had Zollipops, which contain natural sweeteners like xylitol and erythritol. Even better, these two are found to have plaque and bacteria-reducing qualities.

The next thing they knew, bumenta nang husto ang Zollipops sa Whole Foods at sa Amazon. Inaasahang umabot ng mahigit $5 million ang sales ngayong taon. Not bad for a simple idea from a simple discovery.

Janine Chiong, 29 (HABI Lifestyle)

Nagsimula ang HABI bilang isang thesis project ni Janine Chiong para lang maka-graduate sa university. Nang matapos niya ito, nakita ni Janine ang malaking potential nito—hindi para kumita, kundi para sa mga subject ng kanyang research.

young entrepreneurs

Focus kasi ng kanyang thesis ang mga communities sa Quezon City na ang kabuhayan ay nakasalalay sa pagtatahi ng basahan. “They are paid only P10 to P15 pesos for the labor they do,” sabi ni Janine. Obviously, hindi sapat ang kitang ito para magtaguyod ng pamilya.

And so, HABI Lifestyle was born, a sustainable business venture that gives the rag-weavers better income and, more importantly, dignity. They use their skills to hand-weave the materials used for top-class shoes and bags. Although it’s an alternative source of income, Janine notes that they compensate well. “They now earn an average of P50 to P80 pesos per piece, which is four times higher,” she says.

Matthew Cua, 30 (SkyEye Analytics)

Para sa maraming successful na startups, ang susi para sa tagumpay ay dahil ginagawa mo yung gusto mong gawin. And that’s mainly how Matthew Cua started SkyEye Analytics, which uses drones to conduct aerial mapping surveys.

young entrepreneur

Tulad ni Janine, nagsimula ang project na ito bilang Master’s thesis sa university. Matthew saw the opportunities it presented. “Before, drones were used mainly for military applications,” sabi niya. “We realized there’s not much material when it comes to satellite mapping, so we saw a need we could fill.”

Dahil ang Pilipinas ay isang archipelago na binubuo ng maraming isla, marami pa ring mga lugar ang hindi nagagawan ng tamang pagmamapa. Tinutugunan ng SkyEye ang pangangailangan nito sa pamamagitan ng mga aerial mapping surveys gamit ang kanilang sariling mga drones. Malaking benepisyo ito lalo na sa mga ahensya at mga grupo na kailangang mag-survey ng mga lupain.

Pero ang pinakamalaking benepisyo ng SkyEye ay kung paanong pinadadali nito ang mga land survey. Karaniwan kasi na gumagastos ng malaking pera at oras para magrenta ng mga surveyors at engineers. Halos kinakalahati ng SkyEye ang oras at gastos para dito. “We aim to use drones to benefit ordinary people,” dagdag ni Matthew.

Advice for young entrepreneurs

Sa mga kuwentong ito, nakita natin na ang isang simpleng idea posibleng maging world-changer. In all these, age is definitely not a hindrance. YOU can start a business, thirteen or trenta ka man!

Marami sa atin, kaya ayaw magstart ng negosyo ay dahil takot mag-fail. However, successful old and young entrepreneurs are quick to point out that failure is part of the learning process.

Para kay Matthew, ang susi ay matuto mula sa mga mentors sa industriya. Sa paraang ito, aniya, “You don’t have to make expensive mistakes on your wallet.” Alam niya ang hirap na pinagdaanan para magtayo ng isang tech company. Nagbunga naman ang kanyang paghihirap dahil sa dami ng awards na natanggap ng kanyang kompanya. (Alamin pa ang tungkol sa SkyEye dito.)

Para naman kay Janine, mahalagang manatiling konektado sa community na ginagalawan mo. “Keep yourself grounded,” sabi niya. Pino-promote rin ng HABI ang eco-friendly lifestyle sa pamamagitan ng paggamit ng recycled materials. In this way, Janine shows that a business is not just about earning money. It is also about giving to the community and caring for the environment. (To order their bags and shoes, click here.)

Para naman kay Alina, mahalagang huwag lumaki ang ulo kapag nakatikim ng success. Nakapag-TV appearance na si Alina sa Good Morning America at The Steve Harvey Show pero hindi big deal ito para sa kanya. “I’m just like everyone else, that’s how I want to be,” sabi niya.

This summer, wag sayangin ang iyong bakasyon sa pagtambay. Be inspired by these young entrepreneurs who started their own business. And in so doing, they are steadily making this world a better place.

Gusto mong mag-start ng sariling business? Para naman malaman kung paano, mag-click dito.

 

Image credits:

Alina Morse – David Yellen

Janine Chiong – HABI Lifestyle website

Matthew Cua – Entrepreneur.com.ph, RAPPLER