Surprise! Just like that, ubos na halos kalahati ng taon! Sigurado ang karamihan sa atin ay nae-excite sa mga susunod na buwang natitira sa taong ito. Before you know it, Pasko na naman, di ba? Meanwhile, back-to-school ang karamihan sa mga estudyante, at madami ring mga June Bride sa panahong ito. Pero napansin niyo ba na isa lang ang parang hindi nagbabago, or worse, lumalala pa? Yep—our eternal traffic problem.
The Philippines’ Traffic Problem
Umaga pa lang, traffic na ang sasalubong sa iyo papuntang trabaho. Kapag uwian naman, mas malala ang traffic na mararanasan mo. Sa isang araw, inaabot ng two to three hours ang ginugugol nating mga Pilipino sa daan. Most of the time is wasted in traffic: nakatigil sa daan nang matagal, mabagal ang usad, o di kaya mga di-inaasahang pangyayari tulad ng breakdown o aksidente na nagdudulot ng matinding abala.
According to the Japan International Cooperation Agency (JICA), nalulugi ang Pilipinas ng up to ₱3.5 billion a day—imagine! 3.5 BILLION A DAY!—because of the traffic problem in Metro Manila alone. Andaming income na nasasayang dahil nauubos ang oras ng mga tao sa traffic. At hindi lang sa Metro Manila ang problema dahil nararamdaman na rin ang trapik sa mga lugar gaya ng Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal, ayon sa JICA.*
Dahil dito, naisip namin: Paano kaya tayo makakatulong para makabawas kahit papaano sa problema ng traffic? Here are four ways to help solve the traffic problem.
1. Maglakad
Karamihan sa atin gumagamit ng public transportation papunta sa ating mga destinasyon kahit na minsan, sobrang lapit lang ng pupuntahan. Kung ang iyong destination ay less than one kilometer, maglakad na lang instead na sumakay ng tricycle o jeepney.
Help ease traffic volume by walking to your destination especially if it’s quite near. Makakatulong ito sa iyo in three ways: Nakakabawas ka sa demand para sa mga sasakyan; nakakatipid ka sa oras at pamasahe; at nakakatulong ang walking sa iyong kalusugan. Here’s a pro tip: Magdala ng panangga sa init at ulan pag naglalakad, at mag-aya ng kasamang maglakad para hindi nakakainip.
Makakabawas din tayo sa volume ng pasahero at sasakyan kung hindi na tayo lalayo pa especially para sa mga simpleng gawain gaya ng mga bayarin o bilihin. Ang mga providers tulad ng POSIBLE Partner Outlets ay malaking tulong para di na lumayo para magbayad ng bills, magpadala ng pera, at marami pang iba. Imbes na bibiyahe pa, makakatipid ka pa sa oras at pamasahe kung sa malapit ka na lang pupunta.
2. Umalis nang maaga
For sure narining mo na ang mga kaibigan mong nagsabi ng, “Malapit na ako diyan” pero ang totoo, 30 minutes or isang oras pa talaga ang dating niya! Usually, ang excuse kapag late tayo dumating sa isang appointment ay “Traffic kasi.”
To beat the traffic problem, consider leaving early. Makakaiwas ka sa pagdagsa ng tao sa daan, na nakaka-contribute sa aberya o delay. Mas maraming tao, mas maraming nag-aabang ng masasakyan, mas maraming bumibiyahe, mas matrapik. Walang masama kung dumating nang maaga sa iyong pupuntahan. Advantage pa nga dahil makakapagpahinga o kaya makakapaghanda ka. Totoo ang kasabihang, “The early bird catches the worm.” Hindi ka bird at hindi ka rin kumakain ng worm, pero mabuti nang maaga kesa late.
3. Mag-carpool
Karamihan sa atin bumibili ng sasakyan para makarating sa destinasyon nang maayos at matiwasay. Hindi naman natin sila masisi dahil unpredictable at madalas hindi maasahan ang public transport system natin. Ngunit sa dami ng bumibili ng motor, kotse, at SUV, dumadami rin ang volume ng sasakyan sa kalsada, resulting in more traffic.
One of the ways you can help lessen traffic is to carpool when going to a specific location. Imbes na mag-drive mag-isa, makisabay ka na lang. Malaking tulong ito lalo na sa mga nagtatrabaho sa mga Central Business Districts o CBDs dito sa Metro Manila. It can help you save gas money, parking and toll fees, and other expenses. Unique carpool advantage: Makakakilala ka pa ng mga kaibigan habang nasa daan papunta sa inyong destinasyon. Or pwede ring matulog nang mahimbing sa biyahe. Iwasan lang ang paghilik.
4. Plan your trip ahead
Isang malaking abala at nakakadagdag sa traffic kapag walang plano ang iyong biyahe. Planning your trip ahead helps you save time by scouting routes or travel options. In this way, naiiwasan mo ang mga kalsadang puno na ng sasakyan o ang mga sakayan na maraming pasaherong nag-aabang.
Ugaliing i-plano kung saan sasakay o anong ruta ang iyong dadaanan, pati na rin mga options na pwedeng puntahan. Mag-check din ng traffic updates sa Twitter or sa Waze, para makakita ng mga options patungo sa iyong destinasyon.
Maging handa sa traffic
Di man natin maso-solve nang lubusan ang traffic problem ng buong bansa, may mga bagay tayong pwedeng gawin upang hindi maging kalbaryo ang iyong biyahe araw-araw. Sumunod tayo sa traffic rules and regulations, gaya ng pag-stay sa tamang linya ng mga driver o pagtawid sa tamang lugar at tiyempo para sa mga pedestrian. Idagdag pa natin ang four tips na aming nabanggit at for sure, mas magiging magaan ang problema natin sa trapiko.
Every little thing counts! Kung lahat tayo gagawin ang maliliit na pagbabagong ito, magiging malaki ang positive effect nito para sa ating lahat. Let’s all do our part, and help solve the traffic problem bilang mga Pilipino.
*Source: CNN Philippines.
Want to start your own business and help lessen traffic in the metro? Click here.
Images courtesy of Freepik